וואלהבכירים במפלגתו של קנצלר גרמניה הביעו בו תמיכה על רקע הלחץ להתפטרESPNTransfer rumors, news: Barça, Madrid believe Haaland could leave Man City next summerThe Jerusalem PostIDF arrests Iran's Press TV journalist in West Bank, hands her to police, source confirms to 'Post'UN NewsThe world comes to New York: What’s at stake at UN General Assembly high-level weekRTP DesportoOpen de Portugal promovido à primeira divisão do golfe europeuBollywood HungamaAmit Sadh’s Pratap to release in theatres on November 20, 2026; FIRST look unveiledPunchPublic appointments should be based on competence – PRP chieftainInquirerEjercito vows to ensure funding for major railway projectsDigital SpyEmmerdale's Joe Tate to face new revenge plan after Ruby burialVilaWebEl Partit Demòcrata Europeu recorda a Llarena que ha d’aplicar la llei europea i amnistiar PuigdemontBBC NewsCarney's new love-in with EU has everything to do with TrumpGolem.deElon Musk fordert: Unternehmen sollen ihre KI-Systeme gegenseitig prüfen
The Daily Newsstand · Free, Always
Wednesday, September 16, 2026

Sunog sa Q.C. na ikinasawi ng 4 na magkakaanak, hinihinalang nagsimula sa charger ng e-bike

Translate

Nasawi ang apat na magkakamag-anak, kasama ang dalawang senior citizen, matapos masunog ang tinitirahan nilang townhouse sa Barangay Bahay Toro, Quezon City.

Sa ulat ni Gabriel Gonzales sa GMA News Unang Balita nitong Miyerkoles, sinabing nilamon ng naglalagablab na apoy ang townhouse bago mag-5 p.m nitong Martes.

Umabot lang ang sunog sa unang alarma matapos na basahin ng mga residente at bumbero ang mga katabing townhouse para hindi na kumalat ang apoy.

Bagaman nakontrol kaagad ang apoy, nagresulta pa rin ito ng pagkasawi ng apat na magkakaanak nang hindi na sila nakalabas sa kanilang nasusunog na bahay.

“Na-suffocate sila sa usok. Dito raw sila sa baba na nakuha sa ground floor. Gawa ng pumasok yata sila doon sa may... may parteng kusina sa may CR,” sabi ni Bernardo Asistorga, BPSO, Brgy. Bahay Toro, Quezon City.

Nakaligtas naman ang isa pa nilang kaanak matapos makalabas sa nasusunog na townhouse.

Lumabas sa paunang imbestigasyon na posibleng nanggaling ang apoy sa charger ng e-bike.

“Posibleng nangyari ‘yung sa e-bike, nagkaroon siya ng spark yata,” sabi ni Asistorga.

Dinala ang mga labi ng mga biktima sa punerarya, samantalang ginagamot pa sa East Avenue Medical Center ang nakaligtas.

Kinurdonan na ang nasunog na townhouse habang patuloy na inaalam ang sanhi ng sunog at halaga ng mga natupok na ari-arian. -- Jamil Santos/FRJ GMA News

View the original on GMA News

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.