Turistang Pinay, nahulog mula sa viewing spot ng isang tourist site sa Croatia

Nagtamo ng malubhang sugat sa katawan ang isang Pinay matapos siyang mahulog mula sa viewing spot ng isang tourist site sa Dubrovnik, Croatia habang kumukuha ng larawan.
Sa ulat ng GMA News Unang Balita nitong Lunes, sinabing nasaksihan umano ng isa pang Pilipino ang insidente. Ayon sa kaniya, kumukuha ng mga larawan ang biktima sa tourist site nang mahulog siya.
Malakas umano ang hangin nang mangyari ang insidente, ayon pa sa saksi.
Dahil sa pagkakahulog, nagtamo ang biktima mga sugat sa ulo, braso, at binti, at kinailangang sumailalim sa operasyon.
Stable na umano ang kaniyang kondisyon ng Pinay na patuloy na inoobserbahan sa ospital.
Naabisuhan na ang mga kamag-anak ng biktima, habang patuloy ang imbestigasyon sa insidente. – FRJ GMA News
KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.