Agawan umano sa pasahero ng 2 tricycle driver, nauwi sa suntukan

Nahuli-cam ang suntukan ng dalawang tricycle driver sa harap ng isang paaralan sa Laoag City sa Ilocos Norte.
Sa ulat ng GMA Regional TV One North Central Luzon nitong Biyernes, sinabing inawat ng mga kasama nilang driver ang dalawa sa pagpapakawala ng mga suntok.
Ayon sa presidente ng kanilang samahan, nag-ugat ang away ng dalawa dahil umano sa agawan sa pasahero habang nasa kanilang pila.
Nagkaayos naman ang dalawa matapos mamagitan ang kanilang presidente at opisyal ng paaralan. – FRJ GMA News
KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.