InquirerMt. Guiting-Guiting climbing activities suspended for three monthsThe Jerusalem PostAmericans begin voting in midterm election races with major implications for US-Israel policyBollywood HungamaAmit Rai exits OMG 3? Director and makers reportedly part ways over creative differencesDaily MaverickSTATES OF GOVERNANCE OP-ED: Can SA’s Public Service Amendment Act deliver better governance in Joburg’s Deep South?ZDF heuteAktuelle Pressemitteilungen des ZDFTechCrunchRivian spinout Also was working on an e-moto project in Kenya — until it walked awayIl Fatto QuotidianoMedaglie agli animali eroi, ma senza diritti: il paradosso del ddl della LegaFotogramasTim Burton, sobre Johnny Depp: "Que le guste el dinero o la fama es mentira, él no se convirtió en actor para ser glamuroso, sino para esconderse detrás de un personaje"E! OnlineHow Hoda Kotb and Joel Schiffman Remain Friendly ExesThe Hollywood Reporter‘Starlog’ Magazine Returns with First Cover in 17 Years7sur7Schaerbeek introduit un recours contre le permis du projet immobilier “Carré des Chardons”EuronewsTents return to Lisbon square after Portugal protest victory
The Daily Newsstand · Free, Always
Tuesday, November 3, 2026

2 rider, patay nang magkasalpukan ang minamaneho nilang mga motorsiklo sa Pangasinan

Translate

Nasawi ang dalawang rider, at sugatan ang isang angkas, nang magkabanggaan ang minamaneho nilang mga motorsiklo sa Urdaneta City, Pangasinan. Ang isang biktima, sa Quezon City pa galing.

Sa ulat ni CJ Torida sa GMA Regional TV One North Central Luzon nitong Martes, sinabing nangyari ang insidente sa bahagi ng Manila-North Road sa Barangay Nancayasan noong Linggo ng madaling araw.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, galing sa Quezon City ang isang biktima at papunta sa kaniyang tiyahain sa Pangasinan, habang pauwi naman sa Nueva Ecija ang isa pang rider na mayroong angkas.

Ayon kay Police Lt. Roselle Marinas, PIO, Urdaneta City Police Station, sinabi ng nakaligtas na angkas na sinakop umano ng nakabanggaan nilang rider ang linya ng kanilang daan kaya nangyari ang salpukan.

Hindi na umabot nang buhay sa ospital ang dalawang rider, habang patuloy na nagpapagaling ang angkas.

Sinisikap pang makuhanan ng pahayag ang kaanak ng mga nasawing rider, ayon sa ulat.

Samantala, nasawi naman ang isang driver ng kolong-kolong nang aksidente niyang mabangga ang nakaparadang tricycle sa bahagi ng Bypass Road sa Urdaneta pa rin.

Nawalan umano ng kontrol ang driver sa kaniyang sasakyan, nalaglag at tumama ang ulo sa sementadong kalsada.

Hindi na umabot nang buhay sa ospital ang biktima. – FRJ GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.

2 rider, patay nang magkasalpukan ang minamaneho nilang mga motorsiklo sa Pangasinan — KioskNews