InquirerMt. Guiting-Guiting climbing activities suspended for three monthsThe Jerusalem PostAmericans begin voting in midterm election races with major implications for US-Israel policyBollywood HungamaAmit Rai exits OMG 3? Director and makers reportedly part ways over creative differencesDaily MaverickSTATES OF GOVERNANCE OP-ED: Can SA’s Public Service Amendment Act deliver better governance in Joburg’s Deep South?ZDF heuteAktuelle Pressemitteilungen des ZDFTechCrunchRivian spinout Also was working on an e-moto project in Kenya — until it walked awayIl Fatto QuotidianoMedaglie agli animali eroi, ma senza diritti: il paradosso del ddl della LegaFotogramasTim Burton, sobre Johnny Depp: "Que le guste el dinero o la fama es mentira, él no se convirtió en actor para ser glamuroso, sino para esconderse detrás de un personaje"E! OnlineHow Hoda Kotb and Joel Schiffman Remain Friendly ExesThe Hollywood Reporter‘Starlog’ Magazine Returns with First Cover in 17 Years7sur7Schaerbeek introduit un recours contre le permis du projet immobilier “Carré des Chardons”EuronewsTents return to Lisbon square after Portugal protest victory
The Daily Newsstand · Free, Always
Tuesday, November 3, 2026

Alex Eala, panalo sa unang laban niya sa Hong Kong Open kontra kay Emerson Jones

Translate

Hindi nakaapekto sa laro ni Alex Eala ang biglaang pagbabago sa kaniyang kalaban matapos niyang talunin ang Australian na si Emerson Jones, 6-4, 6-3, sa unang round ng Hong Kong Open nitong Martes.

Si Alycia Parks ang orihinal na makakaharap sana ni Eala ngunit pinalitan ito ni Jones matapos umatras si Parks ilang oras bago ang laban dahil sa injury sa balikat.

Dahil sa panalo, pasok na ngayon ang Filipina tennis star sa Round of 1, sa harap ng kaniyang hangarin na tapusin nang maganda ang kaniyang season ngayong taon.

Sa unang set, kaagad na ipinakita ni Eala ang kaniyang dominasyon laban kay Jones, na nasa ika-132 puwesto sa world rankings, matapos makalamang nang 4-0 sa unang set. Gayunman, naisalba ng 18-anyos na Australian ang kaniyang sarili na ma-zero nang masungkit ang sumunod na tatlong games upang makadikit sa Pinay tennis star.

Matapos maitala ni Eala ang 5-3 na kalamangan, bumawi si Jones at nakuha ang sumunod na game upang maibaba niya sa 5-4 ang iskor.

Muntik pang maitabla ni Jones ang laban matapos magkaroon ng 40-15 kalamangan sa Game 10. Gayunman, nakapagtala si Eala ng apat na sunod na puntos, kabilang ang tatlong errors mula kay Jones, upang maselyuhan ang panalo sa unang set.

Lalo pang pinatindi ng 21-anyos na si Eala ang kaniyang laro sa ikalawang set matapos makalamang nang 4-1 sa Game 5.

Sinamantala rin ni Eala ang sunod-sunod na pagkakamali ni Jones upang tuluyang tapusin ang laban sa loob ng isang oras at 23 minuto.

Sunod na makakaharap ni Eala si Tereza Valentova, na nagwagi naman sa dalawang sets laban sa Japanese player na si Himeno Sakatsume.

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.