ESPN DeportesReal Madrid se adelanta en el marcador ante PSGESPNSources: Giants QB Dart out for extended period, possibly rest of seasonThe Jerusalem PostUK police say they have thwarted plot to attack Jewish communityBillboardFans at Billboard’s R&B/Hip-Hop Power Players Share Which Songs Help Get Them in Motion | BillboardRai NewsOnu, Trump a margine dell'Assemblea: "Colloqui tra responsabili iraniani e americani'"ConsequenceKarol G Reveals Why No. 1 Hit “BbY WOW” Almost Didn’t Make Her AlbumTechCrunchMeta admits Muse’s likeness to OpenClaw isn’t a coincidenceBBC NewsJacks stars as England grind out win over Sri LankaANSAVannacci dopo la gaffe di Tajani: 'Io preferisco la donna senza gonna'Global NewsSobeys’ parent agrees to ease property controls after watchdog’s probe20 Minuten«Ziemlich niedergeschlagen»: Mutter gibt nach Hai-Angriff UpdateZDF heutePrivate Krankenversicherung: Merz und die Gerechtigkeit
The Daily Newsstand · Free, Always
Tuesday, September 22, 2026

Batang babae, pumutok at dumugo ang ulo matapos umanong batuhin ng rider at angkas na nakaalitan ng kaniyang ina

Translate

Pumutok at dumugo ang ulo ng isang batang babae dahil sa tinamo nitong sugat matapos umanong batuhin ng matigas na bagay ng isang rider at angkas nito sa Antipolo City. Nangyari ang insidente habang nakasakay sa tricycle ang bata kasama ang kaniyang ina, na nakaalitan umano ng mga suspek.

Sa ulat ni Marisol Abdurahman sa GMA News “24 Oras” nitong Martes, ipinakita ang video footage ng rider at angkas nito na tila kinukuhanan ng video ang mag-ina na nasa tricycle gamit ang kanilang cellphones.

Kapansin-pansin na isang kamay lang ang gamit ng rider sa manibela ng motorsiklo dahil nakahawak sa cellphone ang isa nitong kamay.

Makikita rin na tumatawa ang dalawang suspek.

Sa isa pang video, makikita naman ang batang umiiyak at tumutulo na ang dugo sa kaniyang mukha.

Ang naturang mga video, kumakalat na online.

Ayon sa pulisya ng Antipolo, nangyari ang insidente nitong Lunes ng hapon. Bago ang viral video na tila habulan sa kalsada, nauna na raw nagkainitan ang ina ng bata at dalawang sakay ng motorsiklo.

Sinabi ni Police Lieutenant Ken Ada-ol, Chief, Investigation Section, Antipolo City Police, na lumabas sa nakuha nilang impormasyon na hindi makasakay sa tricycle ang batang walong-taong-gulang at kaniyang ina dahil nakaharang ang motorsiklo ng mga suspek.

Hindi umano umurong ang motorsiklo ng suspek kaya ang tricycle na lang ang umabante para makasakay ang mag-ina. Pero hindi umano ikinatuwa ng rider nang sabihan siya na “bastos” ng ginang.

Ngunit kahit nakaalis na ang tricycle, sinundan ito ng mga suspek na sakay ng motorsiklo at nangyari na pambabato na tinamaan sa ulo ang bata na dahilan para magdugo.

Dinala sa ospital ang bata at kinailangang tahiin ang tinamo nitong sugat sa noo.

Natukoy naman kinalaunan ang pagkakakilanlan ng magka-angkas na suspek pero hindi na sila inabutan ng mga awtoridad sa kanilang tinutuluyan sa Barangay Dalig Uno.

Muli namang nagpunta sa police station ang mag-ina nitong Martes para pormal na maghain ng reklamo laban sa dalawang suspek, na patuloy na hinahanap.

Mahaharap sila sa reklamong physical injury o physical abuse in relation to Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, dahil sa sinapit ng batang biktima.

Kaugnay nito, naglabas ang Land Transportation Office (LTO) ng show cause order laban sa rider at pinahaharap siya sa imbestigasyon sa September 29.

Kailangan niyang magpaliwanag tungkol sa nangyaring insidente, at iba pang paglabag sa pamamaneho gaya ng hindi tamang pagsusuot ng helmet.-- FRJ GMA News

Suspendido na rin ang kaniyang lisensya sa pagmamaneho, at inilagay sa alarm status ang kaniyang motorsiklo. – FRJ GMA News

View the original on GMA News

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.