Babaeng gusto nang kumalas sa relasyon, sinaksak ng nobyo

Sugatan ang isang babae matapos pagsasaksakin ng kaniyang nobyo sa Calinog, Iloilo. Ang biktima, gusto na umanong makipaghiwalay sa suspek.
Sa ulat ni Sevein Hope Gegantoca ng Super Radyo Iloilo sa Super Radyo dzBB nitong Miyerkules, sinabing nangyari ang krimen sa loob ng boarding house na tinutulyan ng biktima.
Batay sa paunang imbestigasyon ng pulisya, lumabas na gusto na umano ng biktima na makipaghiwalay sa suspek, na tinutulan ng lalaki at humantong sa krimen.
Isinugod sa ospital ang sugatang biktima habang tinutugis naman ang tumakas na suspek.
BABALA: SENSITIBONG BALITA Babaeng gusto ng makipaghiwalay sa kanyang nobyo, sugatan matapos pinagsasaksak ng kanyang kasintahan sa bayan ng Calinog sa lalawigan ng Iloilo. | via Sevein Hope Gegantoca, Super Radyo Iloilo https://t.co/y2PIpMx8ex
— DZBB Super Radyo (@dzbb) November 18, 2026
KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.