Driver ng kolong-kolong na naglabas ng baril habang nagmamaneho sa Nueva Ecija, pinaghahanap
_2026_10_08_14_04_32.jpg)
Hinahanap na ng mga awtoridad ang driver ng kolong-kolong na naglabas ang baril habang nagmamaneho sa San Isidro, Nueva Ecija.
Batay sa impormasyon ng GMA Regional TV, na iniulat sa Unang Balita nitong Huwebes, mapanonood ang kuha ng isang motorista na inaangat pa ng driver ang hawak niyang baril sa kaliwang kamay habang tinatahak ang Nueva Ecija - Olongapo Road.
Dahil dito, takot ang mga motorista kaya nila ito isinumbong sa barangay, na ipinaalam naman sa pulisya.
Hawak na ng mga awtoridad ng video at naplakahan na ang kolong-kolong. — Jamil Santos/VBL GMA News
KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.