5 miyembro umano ng isang armadong grupo, patay sa engkuwentro sa mga pulis sa Bacoor, Cavite

Patay sa engkuwento ng mga pulis ang limang miyembro umano ng armadong grupo na may planong pasukin ang isang bahay sa isang subdibisyon sa Bacood City, Cavite ngayong Martes ng hapon.
Sa ulat ni Sam Nielsen sa Super Radyo dzBB, sinabing kinumpirma ni Police Lieutenant Colonel Alexie Desamito, hepe ng Bacoor City Police, ang nangyaring engkuwentro dakong 1:00 pm sa Molino III.
Mayroon umanong papasuking bahay ang mga suspek sa isang subdibisyon ang mga suspek, at nagduda ang guwardiya sa gate na humingi ng tulong sa mga awtoridad.
Nang sandaling iyon, may natanggap na rin umanong impormasyon ang pulisya sa gagawin ng mga suspek kaya nasa lugar na rin ang mga awtoridad nang sandaling iyon.
Sakay umano ng motorsiklo at isa pang sasakyan ang mga suspek, sinabing kaagad na pinaputukan ng mga ito ang mga awtoridad nang makita nila.
Nagkaroon ng habulan na humantong sa shootout na ikinasawi ng mga suspek.
Inyo nang napapakinggan ang mga balita't komentaryo na walang kinikilingan, walang pinoprotektahan hatid ni Rene Sta. Cruz ngayong Martes sa #BigtimeBalita dito lang sa @dzbb. Walang kinikilingan. Walang pinoprotektahan. Noon at ngayon, serbisyong totoo. 📻: 594 kHz AM band 📡: https://t.co/c7O2K3pwo2 💻: https://t.co/E1807yC5Ml
— DZBB Super Radyo (@dzbb) November 3, 2026
Matagal na rin umanong minamanmanan ng pulisya ang grupo na sinasabing sangkot sa panghoholdap at kidnap for ransom.
Maliban sa sasakyan ng pulisya na tinamaan ng bala, ligtas naman ang mga pulis.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.—FRJ GMA News
KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.