Bumili ng tiket sa Bulacan, pumaldo ng P44-M jackpot sa Megalotto 6/45 ng PCSO
Isang mananaya ang nanalo ng P44 milyon sa Megalotto 6/45 draw nitong Biyernes ng gabi, November 27, 2026.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), ang lumabas na kombinasyon ng mga numero ay 33-37-36-26-23-03, na may kabuuang premyo na P44,198,060.38.
Nakasaad sa anunsyo ng PCSO na tinayaan ang winning ticket sa Bulacan.
Samantala, umabot na sa P603.58 milyon ang jackpot sa kasabay nitong draw na Ultra Lotto 6/58.
Pero walang mapalad na mananaya na nakahula sa lumabas na mga numero na 18-13-06-07-05-45. – FRJ GMA News
KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.
_2026_11_27_22_38_02.jpg&w=1200&q=70)