ESPN DeportesPumas deja escapar dos goles de ventaja y Cruz Azul rescata el empatePunchWhy I embraced legal practice after 34 years in police — Ex-DIG MbaESPNFalcons QB Penix (rib) exits loss late, doesn't expect injury to be long termThe Jerusalem PostNetanyahu's election strategy may hinge on 55 seats, rather than a 61-seat majority - analysisRTP DesportoI Liga. Águias somam e seguem na LuzInquirerP817M unexplained wealth report did not include Sara Duterte’s recordsZDF heuteEntdecken Sie das ZDF-NachrichtenstudioRTL BoulevardApps en sites van Albert Heijn, Etos en Gall & Gall uit de lucht na 'IT-incident'The Sydney Morning HeraldLike every millennial, Powderfinger’s comeback is my kinda scene경향신문하이트진로·기린, 20년 동행 결실 “아시아 최초 라이선스 국내 생산”CNN بالعربيةأول تعليق و"اعتذار" من ساويرس بشأن هجوم الحوثيين على مطار الرياضVanguardDollar to Naira exchange rate today, October 12, 2026
The Daily Newsstand · Free, Always
Monday, October 12, 2026

[EDITORIAL] Ang tunay na collateral damage sa umano’y undisclosed wealth ni Sara Duterte

Translate

Ang tunay na collateral damage sa umano’y undisclosed wealth ni Sara Duterte

Nico Villarete

Napakalaki ng P817 million in undeclared assets — it boggles the mind — hindi na ito clerical oversight

“Collateral damage.” ‘Yan ang Vietnam war term ng US military na tumutukoy sa mga hindi sinasadyang namatay, nasugatan, o naperwisyo sa isang military action.

Sabi ni Mans Carpio, ang asawa ni Vice President Sara Duterte, collateral damage daw siya. Mr. Carpio, akala mo ba’y sibilyan kang nadaplisan ng bala sa labanang hindi mo nilikha?

Hindi ka sibilyan o bystander. Central actor ka sa gulo. Malinaw ang absolute community property principle sa batas — conjugal property ang lahat ng ari-arian ninyong mag-asawa kung walang pre-nuptial agreement, at dapat idineklara sa Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) ng iyong asawa. 

Kung sinusundan ninyo ang impeachment trial, napakaraming insurance policies — 19 to be exact — ang kinuha ni Carpio para sa kanyang asawa. Is he monetizing his wife’s risk appetite o mayroon siyang alam na hindi alam ng lahat? Whatever. Sa 19 insurance policies, 17 ang hindi idineklara ni Sara Duterte sa kanyang SALN.

Anong klaseng esposo ang biglang nagpapaawa at dumidistansiya sa kanyang kabiyak ngayong sinisilip ang kanilang finances? Laglagan time na ba talaga? Kung sabagay, inilaglag din ng defense team ni Sara si Carpio at ang amang si Rodrigo Duterte. Sabi ng defense team, hindi raw alam ni Sara na kumuha ng sandamakmak na insurance policies ang kabiyak. Sa kaso naman ng joint account shared with Digong, wala raw alam ang Bise Presidente na may ganoong accounts sa Bank of the Philippine Islands, Julia Vargas branch sa Pasig.

Ang ipinagtataka namin, bakit hindi man lang nag-effort si Sara Duterte sa pagpi-fill out ng kanyang SALN over the years? Abogado naman siya, alam na alam niya ang kahalagahan ng SALN filing sa isang public official. Si dating chief justice Maria Lourdes “Meilou” Sereno nga, nasipa sa pagiging CJ at nabura ang rekord na siya’y minsang naging CJ, dahil sa hindi pagpa-file ng SALNs nang siya’y professor sa University of the Philippines.

Hindi ba sineryoso ang pagfa-file ng SALN o talagang hindi kayang maikukubli ang P817 million in undisclosed assets and income from 2022 to 2025? Oo nga naman, how do you pass off or rationalize P817 million in wealth without legitimate income sources? 

Halimbawa, paanong nag-generate ang isang kompanyang tulad ng banana chips company na Cale88 Foods Corp. ng P208 million in sales mula 2021-2025? Samantala zero employees ito noong 2023 at 2024, at dalawa lang ang empleyado pagdating ng 2025?

Public office is a public trust. Kailangang tumalima ang mga nasa poder sa pinakamataas na pamantayan ng transparency and accountability.

Napakalaki ng P817 million in undeclared assets — it boggles the mind — hindi na ito clerical oversight. For comparison ng halaga, itinuturing ng batas na plunder o pandarambong at hindi na simpleng graft ang pangungulimbat ng minimum P50 million. Bakit mo itatago ang P817 million kung hindi naman ito galing sa masama? 

Again, teka lang, ayon naman kay dating senador Sonny Trillanes at Senador Risa Hontiveros, nasa P319 milyon umano ang dumaloy sa Cale88 mula sa Chinese government at China-based corporations. Foreign power ba ang source ng bahagi ng unexplained wealth?

Pero balik tayo sa P817 million in undeclared assets. Nagpapakita ito ng arrogance of power. Masisilip mo rito ang hubris na nag-overestimate ng kapangyarihan niya at bumale-wala sa warning signs.

Wala bang pakialam sa batas si Sara Duterte dahil buong buhay niya’y prinsesa siya ng Davao at walang nangahas na kantiin ang anak ni Rodrigo Duterte? Ngayon pa ba na bise presidente siya?

Warak na warak na ang naratibong “simpleng tao” si Sara Duterte. Sa likod ng populist persona, lumilitaw ang Sara na umano’y hayok na hayok pala sa pera. 

Kapag nag-o-operate ang public servants sa assumption na immune sila sa public scrutiny, lalo pang nababakbak ang tiwala ng taumbayan. 

At ang tunay na  “collateral damage” ay ang 32.2 milyong Pilipinong bumoto kay Sara noong 2022. 

Ang may psychological bullet in the head ngayon ay ang 61.53% ng voters noong 2022 na naniwalang simpleng tao si Sara Duterte. #Panagutin. – Rappler.com

View the original on Rappler →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.