The Jerusalem PostSheffi Paz, prominent Tel Aviv anti-illegal immigration activist, dies at 74PunchWorld leaders celebrate Lula’s re-election in BrazilEl ComercioEN VIVO | Lula gana las elecciones presidenciales en Brasil tras una remontada inédita ante Flávio BolsonaroDaily MaverickVenezuela opposition leader Machado returns home after fraught year awayBollywood HungamaAnupam Kher to play Sunil Munshi’s father in Swedish-Belgian film Out of Fashion, directed by Jens JonssonZDF heuteEntdecken Sie das ZDF-NachrichtenstudioSCMP ChinaWhy China’s new estimate on Greenland ice loss speed is 55% lower than America’sTagesschauMarktbericht: Gesunkene Kurse locken Schnäppchenjäger anSRF NewsEbola-Virus – An Ebola erkrankte Schweizerin wird in die Schweiz gebrachtMyJoyOnlineGhana is restoring nature, but is nature recovering?Wirtualna Polska"Nie będę z siebie robił anioła". Nawrocki o konflikcie z TuskiemESPNTransfer rumors, news: Man United eye Branthwaite amid defensive rebuild
The Daily Newsstand · Free, Always
Monday, October 26, 2026

Mandatory display ng registration seal badge ng mga online seller, creator, sinuspinde ng BIR

Translate

Pansamantalang sinuspinde ng Bureau of Internal Revenue (BIR) nitong Lunes ang mandatory display ng registration seal badge sa websites, social media business pages, at iba digital platforms “until further notice.”

Nakasaad sa Revenue Memorandum Circular No. 113-2026, na nilagdaan ni BIR Commissioner Charlito Martin Mendoza, na layunin ng hakbang na ito na matiyak ang maayos na pagpapatupad ng mga hakbang ng registration verification initiatives ng ahensiya.

"Taxpayers who have already secured their BIR Registration Seal Badges may continue to display the same from their online platforms, at their option," dagdag nito.

Ayon sa BIR, walang ipapataw na parusa dahil lamang sa hindi pagpapakita ng registration seal badge sa panahon ng suspensiyon.

Nauna nang nagpahayag ng pagkadismaya ang aktres at vlogger na si Rica Peralejo sa kahingian ng BIR na magpakita ng registration seal sa kanilang mga online platform ang mga content creator at iba pang kumikita sa digital platforms.

Sa isang post sa Threads, sinabi ng aktres na nagbabayad na siya ng buwis mula pa noong edad 13 siya. Kinuwestiyon niya kung bakit kailangan pa niyang patunayan ang kaniyang pagsunod sa mga obligasyon sa buwis sa pamamagitan ng pagpapakita ng BIR registration seal badge.

Dagdag pa niya, katanggap-tanggap sana ang naturang rekisito kung hindi ninanakawan ng mga tiwaling tao ang mga Pilipino.

Nauna nang naglabas ang BIR ng Revenue Memorandum Circular (RMC) No. 038-2026 na nag-aatas sa mga taxpayer na nagsasagawa ng online business na ilagay ang seal na inisyu ng BIR sa kanilang mga website, e-commerce page, o business account sa social media bilang patunay ng kanilang rehistro.

Saklaw nito ang iba't ibang kasama sa digital economy, kabilang ang mga online seller, freelancer, propesyonal, vlogger, influencer, at iba pang kumikita sa pamamagitan ng mga digital platform.

Ayon sa BIR, idinisenyo ang registration seal badge upang maprotektahan ang privacy at personal na impormasyon ng mga online seller, service provider, at content creator.

Maaaring i-scan ng mga kliyente at mamimili ang badge upang beripikahin ang rehistro sa BIR ng mga kalahok sa digital economy. —FRJ GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.