ESPNConnelly breaks down a loaded Week 7: Notre Dame-BYU, Ohio State-Indiana and moreDaily MaverickIN THE DOCK: Carrim says doctors backed Dubai trip despite commission no-showInquirerCoast Guard awards Rep. Brian Poe for public service, disaster response effortsESPN DeportesPlan de Juego NFL: ¿Kenneth Walker supera a Mike Evans como la mejor contratación en agencia libre?The Jerusalem PostItaly investigating Katz, other senior officials over alleged torture of Gaza flotilla activistsRTP DesportoVeselko e Bonvalot seguem em frente, Yolanda fora da prova de PenicheZDF heuteAktuelle Pressemitteilungen des ZDFRadio TimesBest films on Prime Video3DNewsM**a выпустила мощную открытую ИИ-модель Muse Spark Open — для её работы хватит всего двух Mac StudioSoompi10+ Dramas On LE SSERAFIM’s WatchlistDeadline‘Everybody Digs Bill Evans’ Getting Oscar-Qualifying Run From Cohen Media Group; Watch The TrailerABC NewsTeen shooter kills 3 children, 1 teacher at elementary school in Bend, Oregon: Police
The Daily Newsstand · Free, Always
Friday, October 16, 2026

Mga taong nasa autism spectrum, bakit hindi dapat gawing katatawanan?

Translate

Inulan ng batikos ang isang podcast matapos magbigay ang mga host nito ng mga hindi kaaya-ayang komento tungkol sa anak ni Kris Aquino na si Josh, na nasa autism spectrum. Ano nga ba ang mga dapat isaalang-alang sa usaping ito? Alamin.

Sa kaniyang guesting sa GMA show na “Unang Hirit” nitong Biyernes, sinabi ni Mona Lisa Magno-Veluz, National Spokesperson ng Autism Society Philippines, na nagalit sila sa kontrobersiyal na podcast, bagama’t sanay na sila sa mga pangungutya sa mga taong nasa spectrum.

“Nangyari ito dahil famous 'yung tao, 'yung magulang ng taong 'yun. Pero sa buhay po namin, araw-araw nangyayari po ito. Na nadi-disparage sila, naiinsulto sila, pinagtatawanan 'yung kondisyon nila,” sabi niya.

“And 'yun nga po 'yung masakit, na ginagamit ang comedy para manlait ng ibang tao,” pagpapatuloy niya.

Mga tao sa autism spectrum

Ayon kay Veluz, ang autism ay isang developmental condition kung saan iba ang naririnig, naaamoy o iba ang reaksyon sa sensory stimuli ng isang tao.

Binubuo ito ng mga tao na “Low support needs” o mga may disability pero nakakapag-graduate, nagkaka-PhD, nakakapagtrabaho at nakakapag-asawa, hanggang sa mga tunay na nangangailangan ng suporta at atensyon.

“The way they function, minsan, kaya nila mag-college. Pero grabe 'yung kanilang anxiety. So, would you call that high functioning? Hindi. Iba-iba sila. Don't look at autism as a straight line, low and high. It is more like a sphere. Posibleng nandito ka, pero, but, meron something else,” paliwanag ni Veluz.

Pakikitungo

Sinabi ni Veluz na hindi kailangang maging expert sa autism para pakitunguhan ang isang taong meron nito.

“Ang importante lang talaga, maging mabuting tao kayo. Be kind, be compassionate, be inclusive. Kasi basta kakaiba 'yung taong ‘yun, hindi pareho sa'yo. Dapat ang default mo is unawain sila at huwag sila husgahan,” saad niya.

Mahalaga rin na malaman ng mga taong namamahala ng mga espasyo, mga negosyo, mga lugar na puwedeng puntahan ng mga taong may autism na dapat alam nila ang mga pangngailangan ng mga ito.

Hinikayat ng Autism Society Philippines ang mga negosyo at media practitioners, gaya ng mga editor at nagpa-publish nga mga video na sumailalim din sa autism sensitivity training.

Para sa mga magulang na may mga anak na nasa spectrum, mahalagang tinatalakay ang mga isyu sa kanila.

“Kailangan natin i-discuss sa ating mga anak, ano ba ang dapat mong gawin sa sitwasyon na ‘to? Are you just going to walk away? Are you going to say something? Make yourself heard? Dapat may script na sila,” pahayag niya

“Pero kung 'yung mga anak ninyo ay hindi kaya, Ipagtanggol ang sarili nila. Talagang inaasahan po natin na 'yung pamilya, 'yung mga kapatid, 'yung mga nagmamahal sa kanila, ang mag-step up para ipaglaban 'yung kanilang karapatan,” pagpapatuloy ni Veluz.

Magna Carta for Disabled Persons

Paliwanag ni Veluz, ang Republic Act No. 9442, o Magna Carta for Disabled Persons, ay maihahalintulad sa isang umbrella kung saan lahat ng mga benepisyo at proteksyon ay maibibigay sa mga taong may kapansanan.

Ang kaparusahan ay mula P50,000 hanggang P200,000 sa korte o kulong ng isa hanggang anim na buwan.

Bukod dito, mayroon ding anti-bullying law na mga paaralan naman ang konteksto.

Binigyang-diin ni Veluz ang kahalagahan ng pagpapatupad ng mga batas na ito.

Para sa mga regular na tao na wala masyadong oras o pambayad para sa abogado, pinakamainan na aregluhin ang taong nang-aagrabyado.

“At siguro ang importante na rin talaga, 'yung mga tao na nakakakita nito, ‘pag nakita mo na, hintuin mo na agad. Huwag na natin pagrabihin,” sabi ni Veluz.

Ipinunto pa niya na kung minsan, hindi maganda ang pang-o-okray sa Pinoy comedy.

“Ang Pilipino, mahilig sa comedy. Na minsan 'yung comedy natin, hindi siya situational, hindi siya witty. Minsan, nang-o-okray tayo,” aniya.

Sa parte ng ASP, tiniyak ni Veluz na nasusunod ang mga polisiya kaugnay ng pakikitungo sa mga taong may disabilidad para hindi na maulit pa ang insidente. – FRJ GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.