Grade 7 student, sugatan matapos umanong pagpapaluin ng patpat ng kaniyang guro sa Bacolod City

Sugatan ang isang Grade 7 student na lalaki matapos umano siyang pagpapaluin ng patpat ng kaniyang guro na lalaki rin sa loob ng silid-aralan sa isang eskuwelahan sa Bacolod City.
Sa ulat ni Aileen Pedroso sa GMA Regional TV Ratsada Balita nitong Huwebes, sinabing nagtamo ng mga sugat sa sugat sa braso, likod at tagiliran ang biktima.
Sa inisyal na impormasyon, sinabing nagalit umano ang guro matapos na matamaan ito ng clay na inihagis ng estudyante sa kaniyang mga kaklase nitong Miyerkoles.
Ini-report na umano ng magulang ng bata sa pulisya ang insidente.
Tumanggi naman munang magbigay ng pahayag ang pamunuan ng paaralan.
Hindi na muna pinag-report ang guro sa trabaho, at isinasagawa na ng Department of Education-Bacolod City ang imbestigasyon. – FRJ GMA News
KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.