The Jerusalem PostPope Leo meets with AJC delegation, reaffirms condemnation of antisemitismESPN DeportesOpinión: En Barcelona sobra cansancio, faltan defensas y hay rivalESPNTime to trade red-hot Ty Jerome, drop struggling Draymond Green?Daily MaverickCARRYING CONFIDENCE: Proteas show early hand, riding the winning momentum into Newlands deciderZDF heuteEntdecken Sie das ZDF-NachrichtenstudioThe Hollywood ReporterHollywood’s Latest Must-Have Luxury? Listening RoomsAnime News NetworkFrom Far Away ‒ Episode 4Business AMS&P handhaaft de AA-rating van België ondanks het hoge begrotingstekortVanguardNigeria could declare Ebola outbreak over by Dec 7 – PateFutura SciencesIls voient les mêmes humains miniatures par dizaines après avoir mangé des champignons : des chercheurs ont mené l'enquêteCBS NewsIran shrugs off Trump's attack threats, says diplomacy ongoingIl Fatto QuotidianoPallone d’oro, attesa per il vincitore: Kane e Yamal tra i favoriti, Mbappé ci crede. Svelati i primi nomi tra i 30
The Daily Newsstand · Free, Always
Monday, October 26, 2026

Kolehiyala sa Lipa, Batangas, ipinatumba umano ng manliligaw sa halagang P10k; 2 suspek, huli na

Translate

Naaresto na ang umano’y sumaksak at ang utak sa ginawang pagpatay sa 20-anyos na kolehiyala sa Lipa, Batangas. Pag-amin ng isa sa suspek, inutusan siya ng mastermind na matagal na umanong manliligaw ng biktima na patayin ang dalaga kapalit ng P10,000 dahil hindi sinasagot nito.

Sa ulat ni Joseph Morong sa GMA News Saksi nitong Lunes, sinabing crime of passion ang nakikita ng mga awtoridad na motibo sa pananaksak at pagpatay sa biktimang si Jazmine Iya Martinez.

Bago mangyari ang krimen, nakuhanan ang biktima na naglalakad sa gilid ng daan sa Barangay Duhatan, nang sundan siya ng suspek na si Alyas “Lance,” na nakasakay sa motorsiklo.

Nagtamo ng limang saksak ang biktima nang matagpuan ang kaniyang katawan.

Natukoy ang pagkakakilanlan ni Lance dahil sa kaniyang kasuotan nang gawin ang krimen, na siyang suot din niya sa pinapasukang construction site.

Inamin ng suspek ang krimen at humingi siya ng tawad sa pamilya ng biktima dahil sa kaniyang ginawa.

Ayon kay Lance, natatakot at nakokonsensiya na siya. Isinuko niya sa pulisya ang mga ebidensiya sa ginawa niyang krimen, maging ang motorsiklo, patalim at cellphone.

Sinabi ni Lance, inutusan siya ng utak sa krimen na si Alyas “Kevin,” na manliligaw ng biktima, na patayin ang dalaga kapalit ng bayad na P10,000.

Ayon sa pulisya, magdadalawang taon nang manliligaw ng biktima si Kevin at hindi pa sinasagot.

“Pinilit niya po (ako) kasi sabi niya po sa akin, kapag kumanta po ako tapos nagsumbong ako sa pulis, ipapapatay po nila ako,” sabi ni Lance.

Nadakip na rin si Kevin na itinanggi naman ang paratang laban sa kaniya.

Ayon sa mga magulang ng biktima, hindi nila kilala ang suspek at hindi nila alam na may manliligaw sa kanilang anak.

Umaasa sila na mabibigyan ng hustisya ang kanilang anak sa pagkakadakip sa dalawng suspek. – FRJ GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.