ESPN DeportesReal Madrid se adelanta en el marcador ante PSGESPNSources: Giants QB Dart out for extended period, possibly rest of seasonThe Jerusalem PostUK police say they have thwarted plot to attack Jewish communityBillboardFans at Billboard’s R&B/Hip-Hop Power Players Share Which Songs Help Get Them in Motion | BillboardRai NewsOnu, Trump a margine dell'Assemblea: "Colloqui tra responsabili iraniani e americani'"ConsequenceKarol G Reveals Why No. 1 Hit “BbY WOW” Almost Didn’t Make Her AlbumTechCrunchMeta admits Muse’s likeness to OpenClaw isn’t a coincidenceBBC NewsJacks stars as England grind out win over Sri LankaANSAVannacci dopo la gaffe di Tajani: 'Io preferisco la donna senza gonna'Global NewsSobeys’ parent agrees to ease property controls after watchdog’s probe20 Minuten«Ziemlich niedergeschlagen»: Mutter gibt nach Hai-Angriff UpdateZDF heutePrivate Krankenversicherung: Merz und die Gerechtigkeit
The Daily Newsstand · Free, Always
Tuesday, September 22, 2026

Ilang estudyante, sumasakay sa airbed upang makatawid sa ilog para makapasok sa paaralan sa Tarlac City

Translate

Dahil winasak ng malakas na pag-ulan ang Agana bridge sa Tarlac City, napilitan ang ibang residente—pati na ang mga estudyante-- na maghanap ng ibang paraan upang mabilis na makatawid sa ilog. Kabilang na rito ang pagsakay sa airbed na P50 ang singil sa bawat pasahero. Ang temporary bridge naman na ginawa ng gobyerno, nakatakda nang buksan.

Sa ulat ni CJ Torida sa GMA Regional TV One North Central Luzon nitong Martes, sinabing ngayong hapon bubuksan at susubukan sa kapasidad ng mga sasakyan ang Bailey bridge na pansamantalang gagamitin bilang pamalit sa nasirang Agana bridge.

Ayon kay Public Works and Highway Secretary Vince Dizon, tiniyak muna nilang ligtas na madadaanan ang pansamantalang tulay.

Mga light vehicles lamang hanggang sa elf truck ang papayagan na dumaan sa pansamantala tulay, at hindi puwede ang mga bus at mga malalaking truck.

Ngunit bago magamit ang Bailey bridge, naghanap muna ng ibang paraan ang mga tao para makatawid sa ilog. Kabilang na dito ang paggamit ng airbed na sinasakyan ng mga residente, pati na ang mga estudyante na papasok sa paaralan, at pauwi.

Ayon kay Nathalie Salcedo, estudyante, may alok ang kanilang lokal na pamahalaan na free shuttle ngunit aabutin ng dalawang oras bago nila marating ang lungsod.

“Araw-araw po kasi, face-to-face classes po kami. As a student po, very hassle po kasi lalo na hindi kami sanay sa ganung biyahe, since dati nasa five to ten minutes lang po yung biyahe namin papunta sa city,” paliwanag niya.

Hanggang sa sinubukan nilang sumakay sa airbed noong nakaraang Sabado habang pauwi na. Nasa P50 ang bayad sa bawat pasahero, at tatlong tao ang isinasakay sa bawat airbed.

Bagaman may kaba, sinubukan nila ang airbed ride dahil ayaw na raw nilang bumiyahe ng dalawang oras at abutan pa ng gabi sa pag-uwi.

Gayunman, ipinagbawal na ng mga awtoridad ang pagsakay sa airbed dahil na rin sa pangamba na may madisgrasya. Bukod pa riyan ang pagbubukas ng Bailey bridge na puwede nang gamitin upang makatawid sa ilog. –FRJ GMA News

View the original on GMA News

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.