InquirerLPA trough to bring rains to parts of Visayas, Mindanao on Oct. 30Daily MaverickWatch – The pipeline between US white supremacists and the SA rightESPNFollow live: Dream dominating Valkyries as they look to force Game 7The Jerusalem PostIsrael election results: Netanyahu's Likud biggest party in Israel after all votes countedESPN DeportesSigue en vivo – Dream no cede el paso y ya sueña con el Juego 7kickerLIVE! Hipp sorgt für Bremens Blitzstart nach der Pause - Dhont lässt zwei Chancen liegenZDF heuteAktuelle Pressemitteilungen des ZDFBusiness AMMerz onderhandelt in Japan over deelname van Duitsland aan GCAP-project voor nieuw gevechtsvliegtuigAnime News NetworkThe World's Strongest Witch ‒ Episode 4ESPN CricinfoSpinners poised to shape decider as Newlands pitch turnsEuronewsKazakhstan's Tokayev calls for faster construction of nuclear power plantsSRF NewsBatterie-Lokomotive – Fertig Diesel: Brienz Rothorn Bahn plant erste Elektro-Lokomotive
The Daily Newsstand · Free, Always
Thursday, October 29, 2026

Keanna Reeves, aminadong mas tipo ang mga lalaking mas bata sa kaniya

Translate

Inilahad ng 55-anyos na si Keanna Reeves, ang kasiyahan sa relasyon niya ngayon sa 27-anyos na si Briant Scott Lomboy. Bakit nga ba mas tipo ng aktres ang mga mas bata sa kaniya at papaano nagsimula ang kanilang love story ni Briant? Alamin.

“”Hindi kasi bago sa akin ‘to eh. Parang matagal na akong ganito,” sabi ni Keanna sa nakaraang guesting nila ni Briant sa programang “Kalurks!”

“Kahit nu’ng, high school pa ako, hindi ko rin [maipaliwanag kung] bakit gusto ko 'yung mga mas bata sa akin. Kaya, naki-carry ko siya hanggang ngayon, na parang normal lang sa akin. Dahil, yun talaga 'yung type ko, 'yung mas bata sa akin. Ayoko 'yung classmate ko, ayoko lalo na 'yung ahead sa akin. So, doon ako na-attract sa mas bata,” saad ni Keanna.

Paglilinaw ni Keanna, nakarelasyon niya ang mga lalaking 19 pataas.

Nagkakilala sina Keanna at Briant nang minsang magkita sa kaarawan ng yumaong entertainment journalist at radio commentator na si Jobert Sucaldito, na dating humawak kay Briant.

Lumipas ang mga taon, muli silang nagkita at nasa tamang edad na si Briant.

“‘Yun na 'yung hindi ko naman siya namukhaan. Kasi nagiging Mamå na siya… Hindi ko siya nakilala. Sabi ni Nanay (Joebert), ‘Si ano yan, si Briant. Si Scott!’ ‘Ay, oo 'yung kulot!’ Gumano’n ako. Sabi, ‘Ay, oo. Ay, ay. Nay, puwede na, puwede na.’ Gumano’n ako. So, tinandaan pala niya 'yung sabi ko na puwede na.”

Kalaunan, niligawan na ni Briant si Keanna.

“Nu’ng time na 'yun, pauwi na kami. Sabi ko kay Nanay, ‘Nay, baka puwede sa harap si Keanna?’ Kasi, siyempre, Keanna siya. Tahimik muna ako. Kinutuban ko lang kung paano 'yung diskarte ko. Tapos 'yun, ha. Timing,” kuwento niya.

Paglilinaw ni Briant, hindi niya rin agad gusto ang aktres. Pero ang kanilang mga pag-uusap, humantong sa pag-iibigan.

“‘Di naman totally ganu’n. Kasi baka hindi niya ako pansinin, bata ako. Tsaka, ‘di naman ako kilala, alam mo ‘yun? Parang nahihiya ka. Hanggang sa unti-unti. After nu’n, nag-message-message ako tapos lumabas kami. Yun na,” patuloy niya. – FRJ GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.