Estudyanteng rider na papasok sa eskuwela, nasawi nang maaksidente at tumama sa poste sa Negros Oriental

Isang estudyanteng rider na nagmamadali umano sa pagpasok sa eskuwelahan ang nasawi matapos sumemplang ang kaniyang minamanehong motorsiklo at tumama sa poste sa Dauin, Negros Oriental.
Sa ulat ng GMA Regional TV Balitang Bisdak, makikita sa video footage na matulin ang takbo ng rider sa kaniyang motorsiklo. Ilang saglit pa, nawalan sna iya ng kontrol sa sasakyan at sumemplang.
Tumilapon ang biktima at tumama sa poste ng traffic light na dahilan ng kaniyang pagkasawi.
Batay sa pulisya, posibleng nagmamadali ang rider dahil sa papasok sa eskuwelahan.
Posibleng sinubukan din niyang pumreno nang makita ang stoplight ngunit dahil sa bilis, nawalan siya ng kontrol.
Walang siyang suot na helmet kaya napuruhan ang kaniyang ulo nang sumalpok sa poste. – Jamil Santos/FRJ GMA News
KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.