PunchCertificate fraud: FG, NYSC move to link education recordsInquirer‘Habagat,’ 4 cyclones leave P4.38-B agri damageESPNCan Tiafoe carry his epic quarterfinal win with him all the way to a US Open title?ESPN DeportesTeoscar regresa ventaja a Dodgers con imparableוואלהשגריר ארה"ב בטאיוואן: כל עימות במדינה ישפיע יותר ממלחמת העולם ה-2The Jerusalem PostMamdani hands 9/11 ceremonial pen to lawyer who defended bin Laden allyScreen RantGame Of Thrones: The Witch Queen Of Harrenhal Officially AnnouncedNTVSon dakika deprem mi oldu? Az önce deprem nerede oldu? İstanbul, Ankara, İzmir ve il il AFAD son depremler 09 Eylül 2026Popular ScienceNew data flips the narrative on how lions and hyenas interact in the wildLe DevoirUne seule campagne, mais plusieurs réalités à recadrerWirtualna PolskaHaki, wpływy, kłamstwa. Jak były agent CBA zarobił pół miliona u szefa Zondyالنهارصباح "النهار": تصعيد أميركي – إيراني يُشعل المنطقة... "ميني" نزوح في جنوب لبنان ولا خرق بالمفاوضات
The Daily Newsstand · Free, Always
Wednesday, September 9, 2026

Binata sa Iloilo, bakit nga ba iginapos sa puno at pinagsasaksak ng kaklase umano nitong gay?

Translate

Karumal-dumal ang sinapit ng isang 18-anyos na lalaki na pumanaw ilang oras matapos siyang matagpuang duguan na nakatali sa isang puno at may nakabaon pang kutsilyo sa ulo sa Arevalo, Iloilo. Ano nga ba ang motibo ng suspek na miyembro ng LGBTQIA+ community para gawin ang krimen? Alamin.

Sa nakaraang episode ng “Kapuso Mo, Jessica Soho,” sinabing positibong kinilala ang lalaking nakatali sa puno na si “Allen,” hindi niya tunay na pangalan, isang kargador sa palengke ng Arevalo.

Ulila na ang binata, kaya nasa pangangalaga na lamang ng kaniyang guardian na si “Janet,” hindi rin niya tunay na pangalan.

Hindi makapaniwala si Janet nang abutan ang pamangkin, nang alisin ng mga tauhan ng Iloilo City Emergency Responders, mula sa pagkakatali sa isang puno sa liblib na lugar sa Barangay Calaparan.

Buhay pa nang dalhin si Allen sa ospital, ngunit binawian din ng buhay kalaunan dahil sa tinamo nitong saksak sa ulo, leeg, kilikili, balikat at paa.

Ngunit bago malagutan ng hininga, nabanggit pa ni Allen ang pangalan ng nagtali at sumaksak sa kaniya na si “Eric,” ‘di niya rin tunay na pangalan, at kaeskwela ng biktima.

Si “Jane,” na dating guro ng suspek, inilarawan gnamadali umanong mairita si Eric sa kabila ng pagiging masayahin.

“Marami siyang friends, bubbly, masayahin, mahinhin. May mga moment na madali siya mairita. Pinatatawag ko 'yung guardian niya because of his attitude,” sabi ni Jane.

Dahil namasukang kasambahay ang kaniyang ina, nakitira lang umano si Eric sa amo ng kaniyang ina.

“Parang kulang sa love or may nahanap siya sa kaniyang family na magpapabuo ng kaniyang pagkatao,” sabi pa ni Teacher Jane.

Batay sa palitan ng mga mensahe nina Allen at Eric na nahalungkat ni Janet sa cellphone ng kaniyang pamangkin, lumalabas na matagal nang nag-uusap ang biktima at ang suspek.

Minsan na rin magkita ang dalawa matapos alukin umano ni Eric si Allen ng P1,000 kapalit ng pakikipagtalik.

Nasundan pa ito nito lamang nakaraang linggo, ngunit humantong ang kanilang kapusukan sa karahasan, na humantong sa kalunos-lunos na sinapit ni Allen na nakatali sa puno.

Naaresto si Eric sa bahay nila sa Barangay Calumpang, na nadatnan ng pulisya na nilalabhan pa ang damit na sinusuot niya nang gawin ang krimen.

Lumabas naman na totoong inalok ni Eric ng pera si Allen kapalit ng pagtatalik nila.

“Nagtagpo sila kung saan. At iyon ang ginagawa nila. Tinatali niya si Allen bago sila magtalik. Tapos nagbibigay siya ng pera kay Allen,” sabi ni Janet.

Ngunit nang uulitin na nila ito nitong nakaraang Linggo, nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa walang pera ang suspek.

“After niya matali, saka niya sinabihan na wala siyang pera. Doon na nagalit 'yung victim na sabi niya, ‘Kung makawala ako dito, papatayin kita.’ Doon na inundayan ng saksak ng suspek,” sabi ni Police Colonel Wilbert Parilla, City Director ng Iloilo City Police Office.

Pero lumalabas din sa imbestigasyon ng pulisya na hindi lang talaga “self-defense” ang ginawa ni Eric dahil pagbabanta ni Allen.

“Ang motibo ng krimen is selos,” sabi ni Parilla.

Batay sa kaibigan ni Eric na si “Kristine,” hindi rin ito tunay na pangalan, matagal nang may pagtingin si Eric kay Allen, magmula pa noong Grade 8 pa lamang sila.

Hindi itinanggi ni Eric sa pulisya ang impormasyon, pero iginiit niyang hindi one-sided ang kanilang relasyon, dahil tatlong taon na umano silang magkarelasyon.

Nagalit si Eric kay Allen nang madiskubreng mayroong na itong ibang karelasyon, ayon kay Parilla.

“Nalaman ng suspect na mayroong iba itong victim natin. Pinlano na niya ‘yung krimen na iyon,” ani Parilla.

Hindi rin umano nag-iisa si Eric nang gawin ang krimen, dahil kasabwat umano nito ang kaniyang bestfriend na babae na si “Criys,” [ ‘di tunay pangalan], 19-anyos. Si Crys umano ang nagbigay ng kutsilyo na ginamit ni Eric sa krimen.

Nahaharap sina Eric at Crys sa kasong murder, at treachery.

Sinubukan ng KMJS na kapanayamin ang mga suspek pero tumanggi silang magbigay ng panayam, ayon sa ulat. – FRJ GMA News

View the original on GMA News

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.