Daily MaverickJoburg crisis cannot be solved without competent City leadershipESPNPremier League depth charts for most popular teams: Who is key?The Jerusalem PostWho will teach the next generation?PunchNigeria@66: 2027 election will test our democratic maturity – JonathanBollywood HungamaDisha Patani completes a decade in Bollywood as MS Dhoni: The Untold Story turns 10: “Beyond grateful ”Il Fatto Quotidiano“Il lusso? Se c’è non me lo nego ma non lo cerco. Non ho lo yatch di 40 metri o la Lamborghini. Il mio aspetto? C’è il fascino sottile della decomposizione delle carni”: Paolo Bonolis si raccontaسكاي نيوز عربيةاستطلاع يفجر مفاجأة بشأن رونالدو.. ماذا يريد مشجعو البرتغال؟RTBF InfoDes feux et dégradations lors d'un mouvement spontané d'élèves devant plusieurs écoles de LiègeBBC News BrasilGoogle remove mais de 40 canais com falsos médicos de IA após reportagens da BBC News BrasilEgypt IndependentEgypt thwarts Israel’s plans to build Suez Canal alternative: Deputy Prime MinisterColliderAlmost 30 Years Ago, 'Buffy the Vampire Slayer' Did 'Obsession' in This Action-Packed EpisodeRMF24Korea prostuje słowa Trumpa o inwestycjach za miliardy
The Daily Newsstand · Free, Always
Thursday, October 1, 2026

Mga pasahero, napigilan ang tangkang pagpapabagsak sa Dubai-Tel Aviv flight

Translate

Mistulang eksena sa pelikula ang nangyari sa isang flight ng Flydubai matapos na magtulong-tulong ang ilang pasahero upang pigilan ang plano umanong pagpapabagsak sa eroplano ng isang co-pilot, na una nang sinaksak ang piloto, ayon sa mga opisyal ng Israel.

Sa kabila ng makapigil-hiningang pangyayari, ligtas na nakarating sa Israel nitong Miyerkules ang mga pasaherong sakay ng eroplano.

Nagsimula ang insidente nang saksakin umano ng co-pilot ang piloto, at biglang bumagsak ang altitude ng eroplano ng halos 14,000 talampakan sa loob lamang ng wala pang 30 segundo.

Ayon sa mga opisyal ng Israel, pumasok sa cockpit ang ilang pasahero at crew, pinagtulungan ang co-pilot, at tinulungan ang dalawang pang piloto ng flydubai na sakay din ng flight upang ligtas na mailapag ang eroplano sa Tabuk, Saudi Arabia.

Mahigit 10 oras ang lumipas bago nakarating ang mga pasahero sa Ben Gurion Airport sa Tel Aviv sakay ng kapalit na eroplano ng flydubai. Ilan sa kanila ang nagsabing isa itong himala at ikinuwento ang matinding pakikipagbuno ng ilang pasahero upang mapigilan ang isang malaking trahedya.

Sinabi ng mga opisyal ng Israel na patuloy pang iniimbestigahan ang motibo ng suspek sa flight FZ1073 mula Dubai patungong Tel Aviv. Noong 2020, nilagdaan ng Israel at United Arab Emirates, kabilang ang Dubai, ang Abraham Accords, na gawing normal ang kanilang ugnayan.

Nagpatindi sa mga pangamba sa seguridad ng aviation sa buong mundo ang insidente, lalo na sa rehiyong ilang taon nang dumaranas ng mga kaguluhan. Dahil dito, sinabi ng Israel na hihigpitan nito ang pagsusuri sa mga pilotong lilipad papasok sa bansa.

"I just can say that it was a miracle. It was awful, crazy, and we thank God that we survived it, we didn't think we will make it but thank God we are in Israel. We are back home. And we are happy to see everyone here," ayon sa pasaherong si Lital Shachaf.

Sinabi naman ng ambulance service ng Israel na isang 51-anyos na lalaki ang dinala sa ospital upang gamutin ang tinamo nitong pinsala sa itaas na bahagi ng katawan. Nasa “mild condition” ang kalagayan ng lalaki.

Inilarawan ni Prime Minister Benjamin Netanyahu ang insidente bilang isang seryosong “security incident.” Isasailalim umano sa interogasyon ng mga awtoridad ng Saudi Arabia ang co-pilot.

Sa isang pahayag, sinabi ng flydubai na hindi pa malinaw ang tunay na dahilan ng insidente at nagbabala laban sa “premature speculation “ tungkol sa nangyari. Kinilala naman ng isang opisyal ng Israel ang co-pilot bilang isang Omani national. Wala pang agarang pahayag mula sa Oman.

Pinuri ng mga opisyal ng Israel ang mga pasaherong tumulong upang maiwasan ang mas malaking trahedya. Ayon kay Netanyahu, 174 tao ang sakay ng flight mula Dubai, at karamihan sa kanila ay mga Israeli national.

'Something you do without thinking'

Sinabi ng tagapagsalita ni Netanyahu sa Reuters na duguan at nakahandusay sa sahig ang sugatang piloto, na kinilala ng tanggapan ng Israeli leader bilang si Smit Machchhar, isang Indian national, na magawang pindutin ang release para mabuksan ang pinto ng cockpit sa kabila ng kaniyang kalagayan.

Ayon sa tagapagsalita, nadatnan ng mga pasaherong pumasok sa cockpit ang co-pilot na hinahampas ang control panel ng eroplano.

“This is something you do without thinking, just running to save your daughter’s life, your family’s life,” sabi ni Asaf Rajuan, isa sa mga pasahero na kasamang pumigil sa suspek.

Duguan ang kaniyang noo matapos ang pakikipagbuno.

Naglabas din ang tanggapan ni Netanyahu ng video kung saan niyayakap ng Prime Minister sa Ben Gurion Airport ang isa pang pasahero na si Yaniv Hayun, na kasama sa pumasok sa cockpit.

"I see you and I see a lion – a big hero," sabi ni Netanyahu sa lalaki na may dugo rin sa damit dahil sa nangyaring kaguluhan.

Sinabi ng opisyal sa Tabuk airport sa Saudi Arabia, kung saan lumapag ang eroplano, na parehong naospital ang dalawang piloto dahil sa kanilang mga tinamong sugat.

Lalong pinatindi ng insidente ang pangamba sa seguridad sa Israel ilang linggo bago ang halalan, ang unang eleksiyon ng bansa mula nang mangyari ang mga pag-atake na pinangunahan ng Hamas noong Oktubre 7, 2023. Naging malaking usapin sa kampanya ang seguridad ng Israel.

Magkakaibang ulat ang inilabas ng Israeli media tungkol sa insidente. May ilang outlet na nag-ulat na sinubukan umanong ibagsak ng isang piloto ang pampasaherong eroplano bilang bahagi ng tinaguriang suicide attempt.

May ilang Israeli media outlet din na unang nagsabing Omani at Emirati nationals ang mga piloto, habang sinabi naman ng iba na Russian at Ukrainian nationals.

"Every pilot that is going to be flying into Israel, we are going to know the pilots' identities, know who they are, and do some type of security check," sabi sa Reuters ni Doron Spielman, spokesperson ni Netanyahu — ulat mula sa Reuters/FRJ GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.