3-anyos na babae, nailigtas matapos maipit ang ulo at lumambitin mula sa ika-12 palapag ng gusali
_2026_10_22_19_31_27.jpg)
Nasagip ang isang 3-anyos na batang babae matapos maipit ang kaniyang ulo sa metal railing at lumambitin mula sa ika-12 palapag ng isang gusali sa Fujian province, China.
Sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes, mapanonood ang video mula sa labas ng gusali sa Zhangping.
Naipit ang ulo ng bata sa metal railing ng isang unit, habang nakalambitin naman ang kaniyang katawan sa ere.
Nagtulungan ang mga kapitbahay at security guard mula sa ibabang palapag para suportahan ang bata gamit ang isang upuan.
Batay sa ulat, iniwang solo ang bata matapos mag-grocery ang kaniyang ina.
Lumabas umano ang bata sa bintana hanggang sa maipit ang ulo niya sa metal railing.
Kalaunan, nasagip ng mga bumbero ang bata. — Jamil Santos/VBL GMA News
KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.