Bollywood HungamaSCOOP: Ramayana advance booking may get DELAYED due to revenue-sharing tussle; distributors demand 60% share in Week 1PunchJigawa ADC suspends NWC member Gantsa for 12 monthsCNN TürkAnkara'da uyuşturucu satıcılarına darbeESPNTransfer rumors, news: Premier League clubs eye Alexander-Arnold amid Real Madrid uncertaintyInquirer EntertainmentAtasha Muhlach able to vindicate self in ‘Bongga Ka ‘Day’ musical, says John Lapus한겨레미 국방장관, 네타냐후와 비밀 회동…선거 후 ‘이란 폭격설’ 힘 얻나InquirerPangasinan may have sufficient irrigation until 2027 palay seasonSouth China Morning PostCalls to sue Indonesia over haze; Pinduoduo craze sweeps Malaysia: 7 Asia highlightsSky TG24Florida, alligatore lungo quasi 4 metri uccide un uomo: ore per recuperare il corpoZDF heuteAktuelle Pressemitteilungen des ZDFObservador DesportoAcampada. O relato da retirada das tendas em LisboaSportstarRanji Trophy Live Score Day 3: Mumbai takes 388-run lead over HP; J&K 123/9 vs Vidarbha; Services needs 104 runs to beat Bengal
The Daily Newsstand · Free, Always
Tuesday, October 20, 2026

E-trike driver, patay matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem

Translate

Dead on the spot ang isang e-trike driver matapos pagbabarilin sa M.H. Del Pilar Street sa Barangay Tugatog, Malabon mag-aalas otso kagabi.

Nagtamo ang 34-anyos na biktimang si Christian Lorenzo ng tama ng bala ng baril sa mukha.

Ayon sa imbestigasyon, namamasada ang biktima nang paputukan ng riding-in-tandem.

Ayon sa ina ng biktima, nagkita pa raw sila ng anak ilang oras bago ang insidente.

“Umuwi po siya, bumili siya ng bigas para sa pamilya niya sa mag-ina niya tapos nagpaalam na siya na bibiyahe na siya dahil nga bibili ng gatas. 'Yon, hindi na nakabalik, hindi na nakabili ng gatas,” ani Marife Laurio, ang ina ng biktima.

Blangko ang mga kaanak sa posibleng motibo sa krimen lalo’t wala raw kaaway ang biktima.

Nananawagan sila sa mga nakasaksi na makipag-ugnayan sa mga awtoridad.

Umaasa silang sa lalong madaling panahon ay makakamit ang hustisya.

“Kung sino man 'yung nakakita, tulungan n'yo naman ako para magkaroon ng hustisya 'yung pagkamatay ng anak ko kasi kawawa 'yung mag-ina niya. Maraming anak 'yan. Hindi ko kakayanin mag-isa,” dagdag ni Laurio.

Tumanggi munang magbigay ng pahayag ang Malabon Police habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. —BAP/KG GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.