PunchABUAD, United Nigeria airlines boss seek education reformCNN TürkSON DAKİKA... Afyonkarahisar'da kafa kafaya facia: 4 can kaybıBollywood HungamaTiger Shroff’s team issues statement after firing in Juhu, says actor made “no statements” about incidentThe Jerusalem PostBeneath a German lake, above a Nazi bunker: Israeli artist explores buried memory - featureInquirerTaal Volcano logs fifth eruption this October; alert level 1 staysRTP DesportoSporting recebe LASK LinzZDF heuteAktuelle Pressemitteilungen des ZDFDaily MaverickTIME TO REFOCUS: SA’s URC teams face northern examination as club season ramps upUOLItália cria novo crime para punir violência em manifestações; medida faz parte de pacote de segurançaVanguardFasoranti:​‌‍‍‍‍⁠⁠‍‌​​⁠‍‌⁠​‌​ My father had covenant with God to die at 100 – SonWirtualna PolskaTusk ostrożny ws. Ukrainy. "Nie podzielam takiego optymizmu"CNN بالعربيةنقص فيتامين د..من الفئات الأكثر عرضة للخطر؟
The Daily Newsstand · Free, Always
Wednesday, October 21, 2026

Lalaki, huli sa pagnanakaw umano ng P290K halaga ng telco equipment; 2 kasabwat, pinaghahanap

Translate

Arestado ang isang 39-anyos na lalaki matapos siyang maaktuhang nagnanakaw ng P290,000 halaga ng telecommunication equipment sa Barangay Phil-am sa Quezon City. Ang dalawa pa niyang kasamahan, patuloy na pinaghahanap.

Sa ulat ni James Agustin sa "Unang Balita" nitong Miyerkoles, sinabing nakita ang suspek ng mga rumurondang pulis na binubuksan ang telco cabinet gamit ang power tool.

“Nagtaka 'yung mga ating patrollers kung mga authorized sila na agent or trabahador ng isang telecommunication agency, they will not use any power tools. Kaya nu’n, nilapitan nila 'yung ating mga suspect at nu’n naabutan nila, naaktuan nila na kinukuha 'yung isang battery inverter,” sabi ni Police Lieutenant Colonel Edgar Escreza, Commander ng Masambong Police Station Command.

Nakuha ng mga awtoridad mula sa suspek ang ninakaw na dalawang battery inverter na may halagang P290,000, sinirang padlock at ginamit na power tool.

Patuloy ang pagtugis ng pulisya sa dalawang kasamahan ng suspek na tumakas gamit ang closed van.

Patuloy ding inaalam ng QCPD kung parte ang tatlo ng isang grupo na may modus na pagnanakaw.

“May mga sasakyan silang dala at nagpapanggap na mga isang awtorisadong manggagawa ng isang telecommunication company na kunwari nagche-check. Pero ‘yun pala, doon nila isinasagawa 'yung kanilang masamang bala,” sabi ni Escreza.

Nagpakilala ang suspek na isang electrician na naimbitahan ng mga kasamahan upang ayusin ang power supply. Pinangakuan umano siya na babayaran ng P1,500.

“Hindi ko po alam ‘yun ang intensyon nila. Akala ko naman po legit 'yung gagawin nilang trabaho. Hindi ko na rin po alam kaya sumang-ayon na lang rin ako,” sabi ng suspek.

Sinampahan na ang lalaki ng reklamong paglabag sa Anti-Cable Television and Cable Internet Tapping Act. — Jamil Santos/BAP GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.