ESPN DeportesGeorgia y Alabama reviven la rivalidad de SEC... si el huracán lo permiteESPNPower Rankings: Who from each team made ESPN's Top 100 player rankings?한겨레두번째 결승행 정수빈, 생애 첫 타이틀 따낼까…이미래는 6번째 정상 도전InquirerRains to drench parts of PH on Oct. 11UOLEm comício, apoiadores de Trump defendem execução ao vivoZDF heuteAktuelle Pressemitteilungen des ZDF매일경제‘커피왕 스벅’의 귀환…’탱크데이‘ 논란 5개월 만에 1위 탈환InfobaeConsulta en este link el precio de la gasolina más barata y cara en Lima, hoy, 10 de octubre경향신문‘박스피’ 대안으로 4~5% 발행어음?…증권사들 잇따라 출시연합뉴스새 역사 향해 또 달린다…'세계 최강' 안세영, 유럽 2연전 출격Lenta.ru«200 кг тайного груза». В Австрии потребовали разъяснений об особой перевозке украинских спецслужб. Что там было?Hindustan TimesDelhi protest day 2 LIVE: CJP says ‘not over yet’, vows fresh protest as Delhi clampdown continues; 7,000 detained
The Daily Newsstand · Free, Always
Sunday, October 11, 2026

[Tambay] Atorni, si Jollibee feeling collateral damage din

Translate
  • Papalapit na sa pagtatapos ang impeachment hearing ni Bise Presidente Sara Duterte, kung saan lumalakas ang momentum ng panig ng prosekusyon matapos magprisinta ng mga ebidensya ng nakatagong yaman na nagkakahalaga ng P817 milyon.
  • Nagdulot ng pagtataka ang naging turnover ng opisina ni Senador Jinggoy Estrada kamakailan dahil sa masamang kondisyon ng iniwang opisina — na aniya ay inalisan ng mga personal na gamit na siya mismo ang gumastos — na kabaligtaran naman ng maayos na kalagayan ng opisina ng kanyang sinundan.
  • Plano ng kampo ni VP Sara na magprisinta ng sarili nilang forensic expert upang pasubalian ang mga pahayag ng prosekusyon, habang ipinapahayag naman ng kanyang asawang si Mans Carpio ang pakiramdam na siya ay nadadamay lamang sa kasalukuyang proseso ng impeachment.

This is AI-generated. Read the article for full context. Report any errors.

Kung basketball game ang impeachment hearing ni Vice President Sara Duterte, parang nasa last quarter na ito. At pagkatapos ng ika-37 na araw ng pagdinig, tila lumaki ang kalamangán ng mga tagaúsig.

Iyan yung naging usapang impeachment ng lupón ng nagmamarunong sa barangay namin. Pero bago pa mag-warmup ang tagisan ng talinong kalye, sumingit muna ang isang topic na nagpabága sa diskusyon. Ito yung pagkawarak ng dating opisina sa Senado ni ngayo’y detenídong si Senador Jinggoy Estrada.

Iisa ang komento ng mga kapwa kong usisero, “bakit naman sinalaulà ni Sen Jinggoy yung dati niyang opisina?”

Dahil sa rigodón ng mga puwesto sa Senado, damay din pala ang pagpapapalit-palit ng mga opisina. Sa pagkakaintindi ng tambay na ito, may reserbang mga opisina sa building ng Senado para sa naka-panig sa mayorya. Bagá, sa espesyal na puwesto ang mga nasa naghaharing uri.

Si Senator Tito Sotto ang bagong ookupa sa aalisan ni Sen Jinggoy. Oo nga, binakante naman ng kampo ni Jinggoy ang opisina. Pero juskopo naman, bakit nagkaganoon ang itsura nung inalisan nila!? Nagmukhang construction site yung opisina. Binakbák halos lahat ng puwedeng baklasín. 

Sa statement sa social media ni Jinggoy sa issue, sabi niya: “…that the fixtures, furnishings, and materials in the office would be brought along to the Senator’s new office. Most of these items (e.g. floor tiles, glass panels, lighting fixtures, cabinets etc.) were acquired using personal funds, as the budget provided by the Senate was insufficient to cover all the expenses incurred.” Ganoon na nga nangyari, pati inodoro at lababo tinanggal. 

[Tambay] Atorni, si Jollibee feeling collateral damage din

Sabi pa sa statement wala daw issue dito kasi nung lumipat siya sa opisinang iyon noong 2022, “bare” daw yung opisinang iyon at personal na pera niyang ang ginastos niya para ipaayos. Dagdag pa niya, ire-reuse daw nila yung mga binaklas.

Si Senator Ping Lacson ang pinalitan ni Jinggoy sa nasabing opisina noong 2022. Naglabas si Lacson ng video sa social media nung actual turnover ng mga staff niya ng opisina. Doon sa video, mukhang opisina yung opisina. Buo pa at may mga susi pa sa pinto.

[Tambay] Atorni, si Jollibee feeling collateral damage din

Nung sila Jinggoy naman ang nag-turnover itong linggo, mukhang inabandonang construction site na yung opisina. Saka duda pa ang tambay na ito kung kayang i-reuse yung lahat ng binaklas doon.

“Bakit naman ganon si Senator Jinggoy?” tanong nung gurong kakuwentuhan namin. “Gawain ba iyan ng isang ‘man of conviction’?”

* * *

Mabalik lang ako sa impeachment, noong Biyernes, Day 37, natapos ang testimonya ng “expert witness” ng prosecution ang conclusion ng pag-aaral niya ay ang mag-asawang VP Sara at atorni Mans Carpio ay may nakatagong yaman na P817 million.

Sabi pa ng prosekusyon, si financial forensic analyst Alexander Cabrera ang huling saksi nila. Hindi na nila isasama sa impeachment hearings ang paglilitis ng kasong “bribery” laban sa vice president.

Dalawang bagay ang nangibabaw sa umpukan namin. 

Una ay ang yung nabanggit ng forensic analyst na mga cheke na pinambayad ni VP Sara. Bagama’t redacted ang pangalan ng mga tatanggap nung cheke, nabuo pa rin nila ang mga pangalan dito. 

Ang isa sa mga binayaran ng cheke ay ang dentistang si Lourdes Lebosada. Sa SEC records, lumabas na kasosyo ni Atorni Mans Carpio si Lebosada sa Cale88. Halagang P11.35 million ang halaga ng cheke binayad sa dentista.

Ang ikalawa ay yung BIR Form 2316 ni VP Sara sa filings niya for taxable year 2023. Taon-taon, lahat ng empleyadong Pinoy, ay binibigyan ng form na ito, kasama na ako dito noong panahong nagtra-trabaho pa ako. Sa form 2316 nakalista kung magkano ang pinasahod sa iyo buong taon at ang ibinawas sa sweldo para sa withholding tax mo. 

Sa hearing nakita na naka-attach sa tax filing ng Vice President para sa taong 2023 yung 2316 niya mula sa Davao City. Ibig sabihin, may tinanggap pa siyang sahod mula sa Davao City kahit bise presidente na siya. May pirma ni VP Sara at ng finance officer ng Davao City yung form 2316.

Sumasang-áyon ang tambay na ito sa sinabi ni Senator Raffy Tulfo: (referring VP Sara’s team) “Bakit kaya ang kahit isa man lang sa kanila ay hindi saulado ang Article 7 Section 13 ng ating Constitution?… Bakit walang nag-advise sa kanya? Maybe her people, they intentionally ignored the said law… Thinking they are an exception to the rule… because for them, what are they in power for…”

Sinagot si Tulfo ng abogado ni VP Sara. Sabi ni Michael Poa: “We will address this issue and face this head on… and give you a perfectly reasonable explanation during our presentation of evidence.”

Mas exciting yung sinabi ni Poa sa post-hearing press conference ng defense. Sabi niya, kapag defense na ang magpre-presinta ng mga saksi: “We will have our own expert (forensic) witness.” 

Aabangan namin yan. Gusto ko talagang malaman paano nila ito malulusutan.

[Tambay] Atorni, si Jollibee feeling collateral damage din


* * *

Sa isa pang sidelight ng impeachment hearing ni VP Sara, nagsalita ang asawa niyang si Mans Carpio sa isang event sa Cagayan de Oro na feeling daw niya collateral damage siya.  

Dahil nga asawa siya ng ikalawang pinakamataas na opisyal sa bansa, talagang madadamay si Atorni Mans. Sabi nga ng mga spokesperson ng prosecution team, “it’s conjugal, not personal.”

Medyo agree ang tambay na ito sa “feeling” ni atorni. 

Pero hindi ba kayo nag-uusap ni misis? Abogado kayong pareho. Sigurado ako, alam ninyo ang pasíkot-síkot ng batas. Limpak-limpak na salapi ang pinag-uusapan sa impeachment hearing. At kung paniniwalaan ang sinasabi ng mga tagausig, alam ninyo po Atorni Mans ang mga aksyong ginawa ninyong mag-asawa.

[Tambay] Atorni, si Jollibee feeling collateral damage din

Kung tama din pagkakaintindi ko, medyo ibig sabihin ng collateral damage ay nadamay lang kayo. Kung feeling ni Atorni Mans ay nadadamay lang siya, at sinasabi niya sa publiko ang feeling niya, ang datíng nito ay parang  nilalaglag niya si misis.

Nabanggit rin lang naman ang collateral damage, mayroong dapat mas may legit na reklamo tungkol dito. Mas may karapatan mag-feeling collateral damage si Jollibee. 

Sabi sa impeachment hearing, limang branches daw ng Jollibee ay pag-aari ng grupong may business interest si VP Sara. – Rappler.com

Si Chito de la Vega ay Tambay ng Rappler dalawang beses kada buwan. Kasama rin siya sa mga anchor-host ng programang Balita Kwento Serbisyo ng DZME 1530.

View the original on Rappler →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.